Sunday, May 22, 2011

Crab Mentality

Naranasan mo na ba na may kaibigan kang may inooffer na raket na di pa niya napatunayan kung safe ba talaga o hindi, at ang tanging dahilan lang kung bakit ka niya inaaya ay dahil gusto niyang may kasama siya kung papasukin niya to? Para bang "Pare, sama ka naman sa akin, sasali ako sa gang, manghoholdap tayo ng bangko. Anlaki ng kitaan dun." Tapos sasagot ka ng "P're, safe ba yan? Baka naman madisgrasya lang tayo diyan." At sasagutin ka pa ng "Safe na safe yun. Garantisado, walang kaduda duda. Easy Money."

May solusyon ako diyan. Pag napansin mong ganito na ang tema ng usapan, pinakamadaling pag tanggi na di ka naman nagmumukhang nagpapalusot lang. Ganito lang sasabihin mo: "Pare, di ko kasi trip yang Robbery. Ang trip kong gawin, Genocide. Yung bang lahat ng tao sa mundo, mapapatay ko. Nagbabalak-balak na nga akong mag imbento ng isang uri ng virus na di kayang gamutin para garantisado. As in, lahat tayo, lahat sila, tepok. Yun ang trip ko." Pero paalala lang, kailangan seryosong seryoso ka pag sinasabi mo to. Garantisado, bigla siyang magkakaroon ng lakad. Titigilan ka na niya at iba na lang ang hahanapin. O kaya naman, mas simple, pwede rin ang linyang to: "Alam mo P're, matagal ko nang pangarap yung maging hobby ko ang pumatay ng mga kriminal. Yun bang hahantingin ko yung mga holdaper, isnatcher, mandurukot, rapist.. Pwede ring mga nanghoholdap ng bangko. Tapos, totorturin ko muna sila bago ko patayin. Yun talaga pangarap ko."

O kaya naman, naranasan mo na ba na bigla kang nagkatrabaho tapos, natural, magiging busy ka na dahil gusto mong kumita ng matino at gusto mo rin namang maisaayos ang buhay mo? Tapos, may mag aayang kabarkada at sasabihan ka ng mga linyang katulad nito: "Pare, sama ka, punta tayo sa Dadi's Point." At sasagot ka naman ng "Pare, ala pa akong budget ngayon eh." Tapos sasagutin ka ng "Tatambay lang naman tayo sa labas eh. ^_^ Di naman tayo bibili." Tapos, nagkataon pang may trabaho ka sa araw na inaaya ka so, ang sasabihin mo, "Pasensya na pare, may duty ako mamya eh." Tapos, kahit napakatino ng paliwanag mo at kahit na alam mo at alam naman niyang hindi ka nagpapalusot lang at talagang may trabaho ka at kailangan mong pumasok sa panahon na iyon, sasabihan ka pa ng ganito: "Ganyan ka na P're, ala kang pakisama."

Simple lang ang isasagot ko diyan. "Pare, anong wala akong pakisama? Ikaw ang walang pakisama. Pinatira kita noon sa amin nung naglayas ka sa inyo dahil ayaw ka ipagluto ng hotdog ng nanay mo. Tuwing tanghalian at hapunan, nandito ka sa bahay ko dahil alam mong panay karne niluluto ko. Pero pag gulay ang niluto ko, bigla kang nawawala. Kung nakaraket ka at nagka pera, iba kabarkada mo. Pero kung ubos na pera mo, dito ka ulit nakatambay. Mas malakas ka pa nga manigarilyo sa akin kahit na di ka bumibili, kumukuha ka lang sa kaha ko. Pag may inuman, tinatapon mo pa yung tagay mo pero kunwari iniinom mo, Ang mahal kaya ng alak ngayon. Pero anlakas mo sa pulutan at yosi. Pag may trip akong chicks, nauuna ka palagi dumiskarte pero pag may chicks kang kasama, di mo ko kakilala. May gusto akong ligawan na kaibigan mo, pagbabawalan mo ko, sasabihin mo, parang kapatid na turing mo sa kanya. Pero yung ex ko, nung kami pa, basta wala ako, dinidiskartehan mo. Naaalala mo pa ba nung napaaway ka? Tinulungan kita, nakipag suntukan ako sa mga kasuntukan mo pero bigla kang umeskapo. Sampu pa naman sila. Pag kapos ka sa pera, sa kin ka tumatakbo. Pag wala akong pera, isasakripisyo ko mga gamit ko, pinapabenta ko sa iyo para magka budget ka lalo na pag may date ka. Pero pag ako naman nangangailangan ng pera at magpapabenta sana ako sa iyo sa mga contacts mo, bigla kang magkakaroon ng importanteng appointment. Kahit nga sa facebook ko, lahat ng mga naka add na babae inadd mo. Kaso, kahit yung Girlfriend ko, inaaya mo makipag one night stand sa iyo. Di mo ba nakita na ang nakalagay sa profile nya, In a Relationship with me? Buti na lang ako nakabasa nung message mo nung i open ko facebook niya. Tsaka naalala mo pa ba nung elementary pa tayo? Binura mo yung pangalan ko sa testpaper at pinalitan mo ng pangalan mo. At napansin mo ba, araw araw, iba lighter ko? Kasi lagi mo na lang binibitbit. Ngayon, sino ang walang pakisama?"

Garantisado, di siya makakaimik. Kung makaimik pa siya, malamang adik yun. Hehehe.

O kaya, naranasan mo na bang maging sentro ng chismis? Yun bang dahil gwapo ka, at nagtatrabaho sa call center, ipagkakalat na nilang nag macho dancer ka daw? O kaya naman, yun bang tipong dahil lang sa may insomnia ka, iisipin na nilang adik ka?

Eto pa ang malupet. Naranasan mo na ba na sinusundo ka sa inuman ng asawa mo at sa asar ng kainuman mo, sasabihan ka ng "Kung ako sa iyo, pag gagawin sa akin yan ng asawa ko, makakatikim sa akin yan." Pero yung kainuman mo yung tipong hindi pa nagkakaroon ng matinong syota man lang.

Sa totoo lang, simple lang naman ang sagot diyan eh. Wag mo na intindihin kung ano sinasabi nila. Ang importante, di nanggaling sa iyo. Kung sa tingin mo, utak talangka ang kaibigan mo, ilaglag mo. Mas lalaki pa ang problema kapag pinabayaan mo lang siya na maging personal linta sa buhay mo. Piliin mo na lang ang mga magiging kaibigan mo. Aanhin mo ang isang kaibigan na walang gagawin kundi ang higupin ang dugo mo? Ewww…

At napansin nyo bang karamihan sa mga tsismosa ay yung mga nagkakaedad na? So, para bang, habang lalong nagkakaedad, lalong nagiging tsismosa. O.o

Pero malamang, yung mga tsismosang yun, laging present sa simbahan tuwing linggo. Natural, nagbabawas ng kasalanan eh. Hehehe. Parang yung mga nagpepenetensiya taon taon. Ok lang nga naman na mambabae, mambugbog ng asawa at anak, isugal ang tuition ng mga anak, at ang manira ng kung ano mang masisira basta pag undas na, magpepenitensiya. Natural. Susulitin na ang kasalanan. Masakit din kaya ang magpapako sa krus.

2 comments:

  1. Parang saktong-sakto yung mga banat mo pre!?hehee..Yung una ganito nmn nngyari sa akin Nakatayo ako sa may sakayan ng tricycle habang nagaabang ng kasabay sa byahe...biglang nagdatingan yung mga alimango kong barkada..Asteeg mukhang galing sa meeting ng isang Robbery Gang..Biglang Lapet sa akin.."Ayus si palos potential maging holduper yan" sabay lapet sa akin.."Palos musta bakit mukha ka pa rin small time na snatcher"..Sabi ko naman "Ayos lang pre ang mahalaga kumikita ako para sa pamilya ko".."Ganun ba...uo nga pla may gagawin ka ba bukas!?..Birthday kasi nung druglord na kakilala ko eh..sama sana kita sigurado mabibigyan ka niya ng magandang raket".."Di na pre naka schedule na ako sa recto mangdukot eh".."Ganun ba sige next time na lang..pagtapos ng ilang linggo nagkita ulet kami..aba ang alimango mukhang naka-iskor sila ng malaki..lumapit na naman sa akin at biglang ngpakita ng isang cheke na pineke nila..sabay banat ng "Anu pre kuntento ka na lang ba sa pagiging small time na snatcher!?..sabi ko "oo naman atleast eto safety 2..may kasiguraduhan pa ko dito..di tulad dyan sa negosyo nyo"..sabay sabi sa akin na "Bahala ka..sa darating na sept. nga pala magsisimula na akong mangarnap ng kotse." sabay banat nung isa "ako sa disyembre mangangarnap na ako ng motor".."anu palos ayaw mo ba? di ka ba naiingit sa amin at yumayaman na kami?" ang sagot ko lang "eh di good for you..pasensya na di ko kasi linya yang negosyo nyo ang ang trip ko kasi world domination parang si hitler..tapos papatayin mo lahat ng mga tao na nagkaroon ng hangin at yabang sa ulo simula nung nagkapera sila at kumikita ng malaki"..ayun sa takot nila tinigilan na din ako..alam kasi nila na sila ang pinatatamaan ko eh..Utak Alimango talaga..hehee..

    ReplyDelete
  2. Hahaha. Swak na swak ba? :D

    ReplyDelete