Usapang Barbero
Mabuhay sa Aming Barbershop Etong blog na ito ay para sa lahat ng uri ng tao mula sa Mahirap hanggang sa May sinasabi sa buhay. pwedeng magshare ng mga nalalaman, pwedeng magbigay ng opinyon sa mga nangyayari sa kapaligiran lalo na tungkol sa Kalikasan,sa mga napapanahon na isyu,sa kasaysayan ng mundo,tungkol sa mga trabaho,sa mga pagbyahe at sa mga Umaakyat ng mga bundok..lahat pwede dito basta Usapang Barbero..sa mga may suhestiyon at komento ..mag email lang sa juandanilo25@gmail.com
Tuesday, June 7, 2011
WOLFGANG-ANINO
Lumpong naglalakad
Katabi niya'y haring nakahubad
binging nakikinig sa iyak
ng piping mayroong tinig
alisin ang yong maskara
at idilat ang mga mata ang isipang tangan ay buksan
sa walang kabuluhan
iligtas nyo ako sa sarili kong anino
daan ay hanapin palabas sa salamin
kay dami daming hugis ng salamin
nakatitig na bulag
sa mga haliging nabuwag
baliw na sumasayaw
sa liwanag siya'y ikaw
at ang diwa ko'y litong lito
ito'y balatkayo
ang nakikita'y kabaliktaran
hindi ang kinagisnan
tangay sa agos
sa mundong puro abo
hindi mundong ito
bato ay abutin
at basagin ang salamin
pirapirasong bubog ng salamin
kung alam ko lang kung papaano
kung alam ko lang
Tuesday, May 24, 2011
Banana Mango Highschool-Ebisu Muscats
kung tunay na lalake ka siguradong may kakilala ka..
Source: youtube
Monday, May 23, 2011
Panitikan Pilipino sa Modernong Panahon
Sunday, May 22, 2011
Crab Mentality
Naranasan mo na ba na may kaibigan kang may inooffer na raket na di pa niya napatunayan kung safe ba talaga o hindi, at ang tanging dahilan lang kung bakit ka niya inaaya ay dahil gusto niyang may kasama siya kung papasukin niya to? Para bang "Pare, sama ka naman sa akin, sasali ako sa gang, manghoholdap tayo ng bangko. Anlaki ng kitaan dun." Tapos sasagot ka ng "P're, safe ba yan? Baka naman madisgrasya lang tayo diyan." At sasagutin ka pa ng "Safe na safe yun. Garantisado, walang kaduda duda. Easy Money."
May solusyon ako diyan. Pag napansin mong ganito na ang tema ng usapan, pinakamadaling pag tanggi na di ka naman nagmumukhang nagpapalusot lang. Ganito lang sasabihin mo: "Pare, di ko kasi trip yang Robbery. Ang trip kong gawin, Genocide. Yung bang lahat ng tao sa mundo, mapapatay ko. Nagbabalak-balak na nga akong mag imbento ng isang uri ng virus na di kayang gamutin para garantisado. As in, lahat tayo, lahat sila, tepok. Yun ang trip ko." Pero paalala lang, kailangan seryosong seryoso ka pag sinasabi mo to. Garantisado, bigla siyang magkakaroon ng lakad. Titigilan ka na niya at iba na lang ang hahanapin. O kaya naman, mas simple, pwede rin ang linyang to: "Alam mo P're, matagal ko nang pangarap yung maging hobby ko ang pumatay ng mga kriminal. Yun bang hahantingin ko yung mga holdaper, isnatcher, mandurukot, rapist.. Pwede ring mga nanghoholdap ng bangko. Tapos, totorturin ko muna sila bago ko patayin. Yun talaga pangarap ko."
O kaya naman, naranasan mo na ba na bigla kang nagkatrabaho tapos, natural, magiging busy ka na dahil gusto mong kumita ng matino at gusto mo rin namang maisaayos ang buhay mo? Tapos, may mag aayang kabarkada at sasabihan ka ng mga linyang katulad nito: "Pare, sama ka, punta tayo sa Dadi's Point." At sasagot ka naman ng "Pare, ala pa akong budget ngayon eh." Tapos sasagutin ka ng "Tatambay lang naman tayo sa labas eh. ^_^ Di naman tayo bibili." Tapos, nagkataon pang may trabaho ka sa araw na inaaya ka so, ang sasabihin mo, "Pasensya na pare, may duty ako mamya eh." Tapos, kahit napakatino ng paliwanag mo at kahit na alam mo at alam naman niyang hindi ka nagpapalusot lang at talagang may trabaho ka at kailangan mong pumasok sa panahon na iyon, sasabihan ka pa ng ganito: "Ganyan ka na P're, ala kang pakisama."
Simple lang ang isasagot ko diyan. "Pare, anong wala akong pakisama? Ikaw ang walang pakisama. Pinatira kita noon sa amin nung naglayas ka sa inyo dahil ayaw ka ipagluto ng hotdog ng nanay mo. Tuwing tanghalian at hapunan, nandito ka sa bahay ko dahil alam mong panay karne niluluto ko. Pero pag gulay ang niluto ko, bigla kang nawawala. Kung nakaraket ka at nagka pera, iba kabarkada mo. Pero kung ubos na pera mo, dito ka ulit nakatambay. Mas malakas ka pa nga manigarilyo sa akin kahit na di ka bumibili, kumukuha ka lang sa kaha ko. Pag may inuman, tinatapon mo pa yung tagay mo pero kunwari iniinom mo, Ang mahal kaya ng alak ngayon. Pero anlakas mo sa pulutan at yosi. Pag may trip akong chicks, nauuna ka palagi dumiskarte pero pag may chicks kang kasama, di mo ko kakilala. May gusto akong ligawan na kaibigan mo, pagbabawalan mo ko, sasabihin mo, parang kapatid na turing mo sa kanya. Pero yung ex ko, nung kami pa, basta wala ako, dinidiskartehan mo. Naaalala mo pa ba nung napaaway ka? Tinulungan kita, nakipag suntukan ako sa mga kasuntukan mo pero bigla kang umeskapo. Sampu pa naman sila. Pag kapos ka sa pera, sa kin ka tumatakbo. Pag wala akong pera, isasakripisyo ko mga gamit ko, pinapabenta ko sa iyo para magka budget ka lalo na pag may date ka. Pero pag ako naman nangangailangan ng pera at magpapabenta sana ako sa iyo sa mga contacts mo, bigla kang magkakaroon ng importanteng appointment. Kahit nga sa facebook ko, lahat ng mga naka add na babae inadd mo. Kaso, kahit yung Girlfriend ko, inaaya mo makipag one night stand sa iyo. Di mo ba nakita na ang nakalagay sa profile nya, In a Relationship with me? Buti na lang ako nakabasa nung message mo nung i open ko facebook niya. Tsaka naalala mo pa ba nung elementary pa tayo? Binura mo yung pangalan ko sa testpaper at pinalitan mo ng pangalan mo. At napansin mo ba, araw araw, iba lighter ko? Kasi lagi mo na lang binibitbit. Ngayon, sino ang walang pakisama?"
Garantisado, di siya makakaimik. Kung makaimik pa siya, malamang adik yun. Hehehe.
O kaya, naranasan mo na bang maging sentro ng chismis? Yun bang dahil gwapo ka, at nagtatrabaho sa call center, ipagkakalat na nilang nag macho dancer ka daw? O kaya naman, yun bang tipong dahil lang sa may insomnia ka, iisipin na nilang adik ka?
Eto pa ang malupet. Naranasan mo na ba na sinusundo ka sa inuman ng asawa mo at sa asar ng kainuman mo, sasabihan ka ng "Kung ako sa iyo, pag gagawin sa akin yan ng asawa ko, makakatikim sa akin yan." Pero yung kainuman mo yung tipong hindi pa nagkakaroon ng matinong syota man lang.
Sa totoo lang, simple lang naman ang sagot diyan eh. Wag mo na intindihin kung ano sinasabi nila. Ang importante, di nanggaling sa iyo. Kung sa tingin mo, utak talangka ang kaibigan mo, ilaglag mo. Mas lalaki pa ang problema kapag pinabayaan mo lang siya na maging personal linta sa buhay mo. Piliin mo na lang ang mga magiging kaibigan mo. Aanhin mo ang isang kaibigan na walang gagawin kundi ang higupin ang dugo mo? Ewww…
At napansin nyo bang karamihan sa mga tsismosa ay yung mga nagkakaedad na? So, para bang, habang lalong nagkakaedad, lalong nagiging tsismosa. O.o
Pero malamang, yung mga tsismosang yun, laging present sa simbahan tuwing linggo. Natural, nagbabawas ng kasalanan eh. Hehehe. Parang yung mga nagpepenetensiya taon taon. Ok lang nga naman na mambabae, mambugbog ng asawa at anak, isugal ang tuition ng mga anak, at ang manira ng kung ano mang masisira basta pag undas na, magpepenitensiya. Natural. Susulitin na ang kasalanan. Masakit din kaya ang magpapako sa krus.
Saturday, May 21, 2011
Usapang Babaero
Bakit nga ba sa kultura natin, mas macho pag mas maraming asawa? San nga ba nagsimula ang ganitong kaugalian? Bakit hanggang ngayon, ganun pa rin ang nakagawian ng mas nakararami?
Pangkaraniwang biro na lang nga sa Mindanao na pa gang isang lalaki ay may limang asawa, Muslim. Pero pag higit pa sa lima, Kristiyano. Sa pagkakaalam ko, nililimitahan na ang mga Muslim ngayon sa limang asawa. Ewan ko lang kung tama ba ang nalalaman ko. Paki puna na lang so comments kung hindi. Hahaha.
Pero sa mas nakararami, bakit ba patuloy na nagpaparami ng panganay kahit na wala namang kakayahang suportahan ang mga kawawang mumunting mga alaala ng lumipas na naiiwan karaniwan sa kanya kanyang mga ina? At paglaki nila, gagayahin din ang kanilang mga ama at magpaparami rin ng mga panganay.
Kahit sa mga binata, very common na sa atin ang nangongolekta ng mga siyota. Paramihan, pagandahan. Kung mas marami kang pinagsasabay-sabay, pwede mo pang ipagyabang. Ang pinaka nakakaasar na siguro na naka inuman ko ng one on one ay yung isang kakilala ko na sinubukang humingi sa akin ng payo. Namomroblema siya dahil di niya malaman kung sino ang pipiliin niya sa dalawa niyang siyota. Am%#&@! Humihingi ba 'to ng payo, o simpleng nagyayabang lang? Buti na lang, paubos na yung Gin nung inilahad niya ang problema niya. Tinaasan ko na lang ang tagay ko para matapos na. May ilang beses ko na ring narinig sa radio na may humihingi ng payo sa DJ dahil sa parehong problema. Ano ba naman ang problema nila? Yung iba nga, makikipagpalit pa ng posisyon sa kanila. Mas masarap kaya ang may syota kaysa ni minsan ay wala. ^_^
Minsan, maaasar ka pa sa ibang mga makakainuman mo kasi, ipinagyayabang sa iyo na marami siyang naanakan. Pero kung tatanungin mo kung nasaan na yung mga anak niya, di na alam. Tapos, ipagyayabang pa sa iyo yung antigong picture ng nakasama niya sa iisang bubong nung bandang 1980's pa at ikukuwento sa iyo yung buong love story nila na para bang napakaganda ng kalokohang pinag gagagawa niya. Pero kung susuriin, pinabayaan naman talaga niya kaya napilitang sumama sa iba. Hehehe. At eto pa ang matindi. Yung babaeng nasa picture, kahit pabatain mo pa ng konti, di ko talaga kayang patulan. Ang paniwala ko kasi, kung gagawa rin lang naman ako ng kasalanan, sisiguruhin kong sulit. Magnakaw ka ng singko sentimos o limang milyon man, parehong pagnanakaw pa rin yun. E di sa Limang milyon na ako. Mas sulit. :D
Kung ating susuriin (Di naman ako eksperto dito, pero, usapang barbero lang. Hehehe.) nagmula ang ganitong kagawian sa mga ninuno nating Muslim. Kung hindi naman tayo nagpasakop sa mga Espanyol, malamang Muslim pa rin tayong lahat. Nung mga panahong iyon, ang yaman at karangyaan ng isang lalake ay masusukat sa kung gaano karami ang asawa niya. Pero seryoso sila sa pagpapatupad ng batas nila. Dapat, masuportahan mo lahat ng mga pamilya mo. At ang mga pangangailangan nila. Hindi rin sila pwedeng pagsamahin sa iisang bahay. Dapat, tig iisang bahay kada pamilya. Kapag naman meron kang napabayaan na isa, bitay. Kung may papaboran ka nga naman na isa at papabayaan ang iba, e di wala na lang makinabang. So, napakahigpit nila sa usaping ito.
Ngunit nirerespeto rin naman ng kultura nila ang mga unang asawa. Kumbaga sa kaharian, ang unang asawa ang reyna. May karapatan siyang pamahalaan ang iba pang mga asawa. At ang malupet, hindi pwedeng mag asawa ng panibago ang lalaki, hangga't walang consent ng unang asawa. So, ang nangyayari daw, pwedeng humiling ang unang asawa. Pampadulas… Para nga naman pumayag siya na magdagdag ng asawa ang mister niya.
Pero san nga ba nagsimula ang kaugaliang ito ng mga sinaunang Muslim? May nakapagsabi sa akin nung minsang tumambay ako sa isang Barber Shop sa bandang Timog na nagmula daw ito sa panahon pa ng mga digmaan nila. Karaniwang nagiging mandirigma ang mga kalalakitan pag sapat na sa gulang. So, since maraming digmaan, nangangamatay ang mga kalalakihan. Kakaunti ang natitira, yung iba, matanda na, yung iba, masyado pang bata. Ang problema nila, kung di makakapag asawa ang mga kababaihan, di sila magkakaanak. At Mortal sin sa kanila ang magbuntis ang isang dalaga. So, no choice. Kinailangan nilang magpalabas na kautusan na pinahihintulutan ang mga kalalakihan na mag asawa ng higit sa isa hangga't kaya nilang suportahan at buhayin.
Ang punto ko lamang, ang mga sinaunang Muslim, may sistema sila. Di tulad natin ngayon. Basta may babaeng mauuto, uutuin. Hangga't pwede, aanakan. Pag hindi na kaya, iiwanan. Ang mga anak, bahala na sila sa buhay nila.
Di naman sa nagmamalinis ako. Marami rin naman akong katarantaduhan, pero di ko pinagmamalaki. Kaya nga tinawag na katarantaduhan eh. Hehehe. Pero bakit ba ginagawa ng nakararami ay ipinagmamalaki pa ang mga katarantaduhang iyon pati na ang mga bunga na di man lang sila nakilala? Magkano lang ang Condom? Kahit saang Steven-Elven, makakabili kahit anong oras. May Mimi Snap pa. (Sensya na. Di naman sila nagbayad para sa advertising kaya di ko babanggitin mga pangalan ng tindahan nila. Hahaha! Nga pala, kung gusto niyong magpa advertise, mapag uusapan yan. ^,..,^) At balita ko, may isang drug store na nagbebenta ng Condom na medyo may kamahalan, pero pwedeng testingin. Nyahahaha.
Naalala ko tuloy yung isang kaso: Isang babaerong ama ang nagkaanak sa isang nautong Nene. Nagkaanak ngunit ni minsan ay di nakita ang ama. Nung nagdalaga ang anak, pinilit na manirahan sa isang kamag anak sa bandang Valenzuela dahil sa alam niyang nasa Quezon City ang ama niya. Mas malapit nga naman ang Valenzuela sa QC kaysa naman manggagaling pa sa probinsiya. Pero pagbigyan na natin yung kawawang dalaga. Yun na lang nga ang pangarap niya eh. Pero eto malupit don. Yung kawawang dalaga, sa INA Computer learning Center nag enroll. Eh may mga branches din naman ang INA sa probinsiya nila. XD
So, nakontak ng anak yung ama at gustong makipag kita. Pumayag naman yung ama. Nagtanong pa nga sa akin ng direksiyon patungong SM Valenzuela. Pero nung araw na magkikita na sana sila, ang pinapunta ng ama ay ang panganay na anak sa legal na asawa. Am%&#@! Minsan na nga lang mangarap yung anak na makita man lang ama niya, pinaasa pa at di pinagbigyan. Kawawa naman.
Simple lang naman ang tinutumbok ko. Kung ikaw ay babaero, maraming pamilya, maraming panganay… Kung lahat sila, nasusuportahan mo, nagagampanan mo mga obligasyon, sige, ipagmalaki mo sa akin. Pero kung nagparami ka lang naman ng asawa at panganay pero lahat sila ay napapabayaan mo hanggang sa puntong di man lang nakilala ng mga anak mo kung sino ama nila, eh, mabuti pa, sarilinin mo na lang muna. Hehehe. Di ako hahanga sa iyo. Maaawa, pwede pa.
Para sa mga komento, reaksiyon, at iba pa, paki lagay na lang sa espasyong nakalaan sa baba. ^,..,^
Para naman sa iba pang mga bagay, request man, love letter, at kung anu ano pa lalo na mga advertising requests, pwede kayong sumulat sa akin sa smilesnhighfives@gmail.com o di kaya ay kay Juan Danilo. Ano na nga ba yung bago mong e-mail? I post mo na kasi.
Friday, May 20, 2011
Hi
I am known by fellow bloggers as "Nozrath". "Noz" to some, "Nozzie" to a few. Well, I tried reacting to the latter since it sounded more like "Noddie" from some kiddie cartoon but WTH, I'm sure she wasn't thinking of that when she first typed "Nozzie". Lol.
Lemme see, now, I don't even know how I got here. I was drunk and on a bus then I woke up in the middle of nowhere. (Just Kidding)
Anyway, I hope you guys keep reading here since there's loads of stuff still in store. Oh, hellz yeah, this is unlimited ammo we're talking about.
BTW, saktong sakto nga pala ang title ng Blog na to since barbero din ako. Hehehe.
And if there's some certain requests, reaction to posts (especially mine.), fanmail, hatemail, any kinda mail. Just send them to smilesnhighfives@gmail.com. (John, post mo din kaya e-mail mo. XD)
Ayt, cheers to all of you and I gotta bounce. I'll try to post some other stuff later. Keep your eyes peeled. :D
Thursday, May 19, 2011
Suplado Tips from Sir. Ramon Bautista
Tuesday, May 17, 2011
Masamang Damo
Kay Tagal mong hinihintay unti-unting nalulustay parang
Halamang lanta, hindi na diligan ang yong pinagtamnan,
kinain pa ng peste..Akala mo kaibigan mo hindi pala,
ninakawan ka pa't iniwang patay..
Inubos ang pasensya mo kinuha rin pitaka mo hindi mo
namalayan na siya andyan sa iyong tabi at siya'y ngumingisi,
nakadale na naman ang PALOS..
Hindi mo siya mahuli siya'y tuwang-tuwa "MASAMANG DAMO'Y" mamamatay..
Bakit mo ba binigay ang yong tiwala sa kanya? Nais mo lang siya's MAWALA….
Lyrics by:Ang Bandang Shirley
Sunday, May 15, 2011
ERNESTO “EL CHE” GUEVARRA sa Usapang Barbero
Gaano mo kakilala si Che Guevarra!?..
Sa totoo lang sa karaniwang Pilipino tulad natin di lahat tayo nakakakilala sa kanya..cguro kilala natin siya dahil madalas natin siya makitang isang disensyo sa mga damit, sa mga bag, at sa kung saan –saan pa. "Lalo na siguro kung isa kang tao na mahilig makisabay sa mga Uso".
Sino nga ba talaga si Che Guevarra?
Hindi lang dahil sa idolo ko siya kaya inilathala ko siya dito sa blog na eto..hindi rin ako isang utak rebolusyonaryo na tao para maging idolo ko siya.
Eto ang maigsing kaalaman tungkol kay Che Guevarra..
Ernesto "El Che" Guevarra | |
Born | June 14, 1928 [1] Rosario, Argentina |
Died | October 9, 1967 (aged 39) (execution) La Higuera, Bolivia |
Resting place | Che Guevara Mausoleum in Santa Clara, Cuba |
Organization | 26th of July Movement, United Party of the Cuban Socialist Revolution,[2]National Liberation Army (Bolivia) |
Religion | None (atheism)[3][4] |
Spouse | Hilda Gadea (1955–1959) Aleida March (from 1959) |
Children | Hilda (1956–1995), Aleida (born 1960), Camilo (born 1962), Celia (born 1963), Ernesto (born 1965 |
Source: Wikipedia.com